January 23rd, 2008

Heath Ledger

ang entry na ito ay para kay Heath Ledger...

kawawa naman siya...

naaalala ko dati(at naalala rin ni Louie...hehe) napanaginipan ko siya...

haha!

sinamahan daw nya akong bumili ng Gardenia bread sa Mall...

tapos hinahabol kami ni Camille Pratts!

o diba! how vivid could you get!

anyhoo, palagi ko pa naman pinapanood ang A Knight's Tale...bilang crush ko siya...

ayan umamin na! haha!

anyway, condolence sa iyong family...

you will always be remembered...coz you're part of my dream(isang weird at nakaktawang panaginip! )

bye Heath Ledger.

Currently feeling: shocked
Posted by aira at 09:54 PM | 2 nagreact

January 12th, 2008

UP Ang Galing Mo!

natutuwa ako dahil part ako ng isang institusyon na maipagmamalaki sa buong mundo...

yung mga moments na ganto na nagpapasalamat ako at nag-5th year ako at tinuloy ko ang course ko(dahil pag exam ayoko na..hehe)

nasaksihan ko ang napakaganda at napaka-astig na centennial kick-off!

sobrang nakaka-proud lalo na nung kinakanta yung UP Naming Mahal...

yey...centennial graduates kame(sana makagraduate..hehe)...may bongga kayang magaganap sa grad?

happy 100th anniversary UP!

Currently listening to: UP Ang Galing Mo!
Currently feeling: proud
Posted by aira at 06:47 PM | 1 nagreact

January 2nd, 2008

old times

yey! HAPPY NEW YEAR! *fireworks*

grabe hindi ako sanay na hindi ko na ginagawa yung mga nakagawian ko tuwing holidays nung mas bata ako(ayan ah...dahil hindi pa naman ako masyado matanda...)

1. hindi na ako nagcacaroling sa kapitbahay...(though nagcaroling kame sa alumni ng jpia at syempre mas malaki ang binibigay with matching pakain)

2. hindi na ako nagpaputok ng watusi(dahil umalis na ang bespren ko at wala na akong kasama magpaputok nun)...kaya mag-isa akong naglusis...

3. hindi na rin ako tumalon nung 12:00 am dahil umalis ang bespren ko at wala na akong kasamang tumalon...at hindi naman yun totoo!!!

4. hindi na kame nakapagget together at nakapanood ng horror movie ng mga highschool friends ko dahil may trabaho yung iba(ako na lang ang estudyante) at yung iba naman kasama ang mga boypren nila(hinayupak!)

5. hindi na ako nakapunta sa YFC youth camp...dahil hindi na ako yfc...

at ibig sabihin hindi na rin kami magkikita ever nung taong yun...ohwel, ok lang...keribels...aaliwin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-aaral...plastik!

ayan...ganyan ang bagong taon ko...

ibang-iba...

bagong-bago...

Currently feeling: sore
Posted by aira at 03:36 PM | 3 nagreact

December 9th, 2007

GRAND CHAMPION!

Naging sobrang busy ako sa simula pa lang ng sem na to...

abala sa paghahanda sa BACABACAN 2...inter-org sortsfest sa CBA!

walang humpay na pagpapractice para sa cheerdance at pag-oorganize sa mga practices ng basketball, volleyball, etc...

halos di na ako nakakatulog...pumayat din ako ng ilang pounds ah...

pero nawala lahat ng pagod ko ng i-announce ang GRAND CHAMPION!

BLUE BULLS!!! kami yun! JPIA, ADCORE, and PX!

nakakatuwa talaga dahil ang jpia pumupunta sa BACBACAN para magsaya at kalimutan ang acads/accounting kahit sandali...

pero di namin inaasahan na magiging sporty kaming lahat sa araw na yon(Dec. 5)!

sa lahat ng finals game kasali ang team namin!

BACBACAN RESULTS:

2nd place - women's basketball, volleyball, futsal, Mr & Ms BACBACAN, Best in Attendance

1st place - men's basketball, parlor games, at CHEERDANCE!!!

lahat ng hirap, pagod, puyat ay super worth it!!!

thank you sa lahat ng jpians lalo na sa pep ebs...i'm so proud of you!(pati sa adcore at px)

salamat din sa lahat ng alumni sa lahat ng tulong at suporta nyo samin!

at salamat sa aming magaling na choreographers...pio and kaeos ng UP PEP Squad!ang galing ng routine! na-inspire lahat ng jpians kaya tinuloy-tuloy na sa CHAMPIONSHIP!

grabe namimiss ko ang practices namin...parang di kumpleto ang araw ko...

Currently listening to: sampip by parokya ni edgar
Currently feeling: jubilant
Posted by aira at 08:41 PM | 1 nagreact

November 8th, 2007

parang antagal...

limang taon na ko sa kolehiyo...pero hindi ako MRR ah!

dahil to sa kurso kong pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal matapos...

dati nung nagpipilian pa ng course sa college iniwasan ko tong course na to dahil parang antagal ng 5 years...di ko yata kaya yun...

pero di ko rin napigilan ang sairili ko at nagshift ako dito...

AT HINDI KO NAPANSIN NA LIMANG TAON NA PALA!!!

siguro dahil gusto ko to kaya kahit anong hirap, kahit ilang luha ang dinulot at kahit nakakainggit ang mga highcshool friends ko dahil kumikita na sila ng sariling pera e keribels lang...

at ngayon GRADUATING  na rin ako!!!

ansarap sabihin!!!

last sem ko na to!

sana maging ok ang lahat...

pero di pa nagtatapos ang pag-aaral...may review pa sa board exam...

at syempre ang boards sa october...

grabe sinusulit ko ang pagiging estudyante noh?!

Currently listening to: i miss you like crazy by moffats (haha!)
Currently feeling: refreshed
Posted by aira at 03:59 PM | 1 nagreact
« Newer | »