Entries for May, 2004

May 4th, 2004

mga eksplanasyon!

kagabi... nagkaroon ng diskusyon habang nanonood kami ng TV...
nabagabag kasi kami kung ano ang kahulugan ng bagong patalastas ng MAGNOLIA FRESH MILK!

ang commercial:
may nanay(?) naglabas ng 2 empty bottles ng gatas(i suppose) sa kanilang doorstep... the next day... na-transform ang 2 empty bottles sa 2 karton ng magnolia fresh milk!

ang problema: (ayon kay daddy)
ano ang ibig sabihin nito??? ano yun nag-magic ang doorstep???


ang mga tugon:
AKO:hindi...kasi sa village nila may nagrarasyon ng gatas ng kalabaw na nilalagay sa bote... (haha...nag-imbento daw ba?!)... e napagod na yung nagrarasyon na kumuha ng mga bote kaya nag-decide siya na sa karton na lang para disposable! gumana nanaman ang imahinasyon ko!

DADDY:e pano nakapasok yung nagrarasyon sa bakuran nila e may gate sila?! sabi ko na nga ba nagmana ko sa tatay ko pagdating sa mga imahinasyon e!

NOTE: walang nagrarasyon ng gatas.... hindi sinabi kung sa village sila nakatira... at walang pinakitang gate!
Currently listening to: naughty girl by beyonce
Currently feeling: cheerful
Posted by aira at 05:17 PM | 6 nagreact

May 6th, 2004

patayin sa sindak!

sounds familiar???
title kase yan ng isang pelikula..only thing is... ang totoong title ng movie ay... "PATAYIN SA SINDAK SI BARBARA"...
but for now...hihiramin ko muna ang title na iyan...ergo...
"PATAYIN SA SINDAK SI AIRA"
kase naman gusto pa yata akong patayin sa gulat... pinatatagal pa ang result ng aking pagshi-shift!!!
akala ko kase ngayon na sasabihin... e nung tumawag ako... sabi next week na lang daw!!!
*read: tumawag ako nung monday sabi baka this week... kanina naman sabi next week na lang...haaayyy...buhay...ang labo!
eto lang naman yan e...it's either i'm in or i'm out!!! (wahaha!parang sa Star Circle Quest yon ha!wahaha!)
kaya lang sana malaman ko na ng mas maaga para makaiyak na kaagad...ay mali para matanggap ko na agad na hindi ako para doon! tsaka sabi kasi ng college secretary ng UP Manila...kailangang sabihin ko daw sa kanila agad kung tanggap ba ko o hindi kasi aalisin nila ang name ko sa master list ng students sa UP Manila!
pero kailangan kong maging patient...sabi nga...
"ANG MARUNONG MAGHINTAY AY NAGAGANTIMPALAAN!"
errrr...kasabihan ba yon???
Currently listening to: waiting in vain by annie lennox
Currently feeling: anxious
Posted by aira at 05:15 PM | 2 nagreact

May 17th, 2004

1 missed call

dapat last week ko pa kinwento...kaya lang medyo busy days are coming.... anyway...
kinausap ko yung guy na di ko lam kung crush ko ba sya or what kase kailangan ko ng participants para sa YFC youth camp this summer...
kaya lang hindi siya pwede kase may summer classes siya!!!
so sige ok lang...pero...i was about to hang-up the phone... biglang sabi niya... "e ano bang gagawin don???"
siyempre...sumagot ako ng maayos... pero since hindi naman siya makakapunta... tatapusin ko na ang aming pag-uusap!...
kaya lang nagtanong nanaman siya..."e kelan ba yan?"... sinabi ko yung date ng camp... at nagtanong nanaman... "saan ba yan?" ... at tuloy-tuloy na ang kanyang pagtatanong...hanggang sa napunta na sa ibang mga bagay... banda niya...banda ko(?)... skul niya...skul ko...at kung anu-ano pa!!!
tapos...biglang sabi niya... ganito na lang susubukan ko.. text mo na lang ako"
errrr...hindi ko alam number niya!!!
tapos binawi niya..."ay ako na lang magtetext sayo...uhmmm...ano number mo?"
sige na nga aminin na crush ko siya dati...pero delikado kase friends as in close ang mga mommy namin..pero...hmmm...ewan ko!!!
"errrr...091622nog-2nog"
tapos...natapos doon ang aming pag-uusap!
pagkababa ko ng phone...may nagmiscol...SIYA YUN!
tapos..nagtext sya..."____ to, save mo number ko ah..."
Currently listening to: this love by maroon5
Currently feeling: ewan!!!
Posted by aira at 08:28 AM | 1 nagreact

May 28th, 2004

REJECTION...

isang taon kong pinaghirapan...
ilang taon kong pinangarap...
ilang buwan kong hinintay...
araw-araw kong pinagdasal...

anong kinalabasan???... WALA!!!

andun na ko e... malapit na... konti na lang... NAWALA PA!
ngayon...ang daming tanong sa aking isipan...
PANO NANGYARI YON?
BAKIT NAGKAGANON?
ginawa ko lahat ng makakaya ko... ANO PA ANG KULANG???

dasal ba?! ... araw-araw kong ginagawa yon ...
pero anong nangyari?... WALA!

sabi ko na nga ba... IMPOSIBLE talaga akong MAGING MASAYA... yung MASAYANG-MASAYA na WALANG KASUNOD NA LUNGKOT yung DI PINANGUNGUNAHAN NG TAKOT AT LUMBAY!!!

nakakainis...ayaw tumigil sa pagpatak ang luha ko...
Currently feeling: malungkot,SOBRANG LUNGKOT
Posted by aira at 04:29 PM | 9 nagreact