Entries for August, 2004

August 2nd, 2004

ginagawa ng walang magawa

simple lang...TUMUNGANGA!

pero ako... dahil walang magawa... napagtripan ko ang buhok ko...
ginupit ko ang walang kamuwang-muwang na buhok ko!

anong style ang kinalabasan???
UNDEFINED!!!

ayos lang... no regrets...naks!
wala na kong magagawa e... nasa basurahan na ang kalahati!

at least..hindi boring ang buhok ko... kase iba na ang look niya!

binigay na nga pala mga exam results...
at sana imbis na pagtripan ko ang buhok ko.. e pinagtripan ko na lang ang mga libro ko!

ano kaya ang magawa sa kanila???
Currently listening to: let's get retarded!!!
Currently feeling: lazy
Posted by aira at 04:02 PM | 3 nagreact

August 10th, 2004

SNATCHED!!!

my celphone was snatched!!! and to think andito lang ako sa isang building! shet!!!
kakapalit ko lang ng phone e... kse akala ko safe na dito!!!
shit talaga!
tinatawagan ko yung phone ko..cannot be reached na!
tangina mamatay na ang kumuha non!
swear! mamatay ka na talaga! go to hell!
di na ako nakapunta sa klas ko!
nanghihina ako!
putangina mo! mamatay ka na!
makakarma ka rin! at hindi ka na makakabangon pa!
tangina! malaman ko lang kung sino ka...mata lang ang walang latay!
Currently feeling: irate
Posted by aira at 12:21 PM | 10 nagreact

August 13th, 2004

ANG MAGNANAKAW!

alam ko na kung sino ang putanginang numakaw ng cellphone ko!!!
tangina nya!
isang butihing klasmeyt!!!
pucha...pinag-ipunan ko yon!!!
yon ang dream cellphone ko!
tangina talaga niya!
ilang buwan akong nag-ipon ng baon ko para lang mabili ko yon!!!
iningatan ko yon kung san man ako magpunta!!!
tapos sa loob lang pala ng klasrum...kung saan feeling mo safe na... dun pa makukuha!!!
nung tinawagan nga ang klasmeyt na ito...
"oi, may nakita ka bang nahulog na cellphone?"
"hindi po ako!
pucha! guilting-guilty ang itsura!
preo syempre... hindi ko naman pwedeng sabihing..."oi, langya ka ilabaas mo cellphone ko"...
kasi walang pakialam yung ibang nakakita.. so walang witness!

puta! sobrang walang pakialam ang mga tao dito!!!
hindi ako NA-SNATCH... NA-CLEPTO AKO!
Currently feeling: drained
Posted by aira at 04:01 PM | 2 nagreact

August 18th, 2004

tough times

this past few weeks have been very hard for me....
pagod na ko
(literal at hindi na meaning ng pagod)
i'm beginning to think that life is taking its revenge on me for all the bad things i've done in the past...
sunud-sunod ang problemang dumadating
i try not to think about it...tumatawa nga ako ng madalas...
pero sa likod ng tawang yon ay isang taong nahihirapan... pagod na pagod... nawawalan ng gana... parang tinalikuran na ng lahat ng bagay na maganda sa mundo...
kakaospital lang ng dad ko...kakawala lang ng matagal kong pinag-ipunang cellphone...may bagong pangyayari nanamang gumimbal sa pagkatao ko...
namatay ang tita ko kahapon...
kakadalaw lang niya sa bahay namen nung sunday at sinusumbong ko pa yung nagnakaw ng cellphone ko... todo console at support pa siya saken... tapos nung madaling araw ng tuesday...
bigla siyang kinuha ng isang traydor na sakit... inatake siya sa puso...
ang bilis... hindi pa nga nauubos ang luha ko... may parating nanamang bago
hindi ko na nga alam kung bakit andaming misfortunes na dumadating ngayon...sana matapos na rin ang lahat ng ito...
kahapon may nagbigay sakin ng quote na 'to...
"tough times do not last...but tough people do!"
Currently listening to: "take me out of the dark my Lord"
Currently feeling: hopeful
Posted by aira at 12:53 PM | 6 nagreact