pucha!
muntik na ako maholdup kanina!!!
buti na lang naniwala ako sa kutob ko!
eto ang nangyare...
mga 6 pm yon, galing ako at ang klasmeyt ko sa robinsons metro east at sumakay kami ng fx...
tamang-tama may dalawa pang bakanteng upuan sa gitna...
nung pasakay na kame... biglang bumaba yung isang mama...
at ang itsura niya...nakasando tapos puno ng tattoo ang katawan (dun pa lang scary na e...)...nung sumakay na kami biglang sumakay ulit siya... so napagitnaan kami ng dalawang mama...
yung nasa kaliwa ko ang weird...kase pagtingin ko sa kanya nahuli kong nakatitig siya sakin...
yung parang minememorize yung mukha ko!
aba! akalain mo! di pa kami nakakalayo... may nararamdaman na akong kamay sa tagiliran at hita ko...
at ang una kong naisip...putangina...manyak ang katabi ko!
ngunit hindi...ang pakay pala niya ay cellphone sa bulsa ko...
unfortunately para sa kanya...WALA AKONG BULSA! bwahaha
pero syempre namutla na ako non... tapos nagsasalita yung kasama ko na mukhang namumutla na rin...
biglang bumulong yung kasama ko sakin na..."gusto mo bumaba?"
tumango lang ako... at biglang sinabi ng katabi ko...
"MANONG, PARA SA TABI!"
yung driver... mukhang ayaw kaming ipara! pucha!
MAGKAKASABWAT SILA!
nung makababa kami... ang sama ng tingin nila samin! parang gusto kaming habulin at sundan...
pero...awa ng DIYOS... naglakad kami ng mabilis at nakalayo sa fx na yon!
sa sobrang kaba nga namin...di namin namalayan na halos dalawang kilometro na ang nalalakad namin!
ok lang na nagbayad na kami...at least bente lang yon... e ang masaklap kung naisakatuparan nila ang kanilang plano...
e cellphone ng dadi ko ang dala ko nun! patay ako!
di ko pa sinasabe sa magulang ko... kase di na ko paaalisin nyan sa bahay!hehehe!
pero...siguro nga hindi na muna ako aalis...
Currently listening to: Jesus you're all I need!
Currently feeling: thankful kay GOD!!!