Entries for May, 2005

May 1st, 2005

nagsasawa

mahirap pala pag nagsawa ang isang tao...

isang beses ang saya-saya ng inyong samahan... parang wala nang mas masaya pa...tawa kayo ng tawa... parang wala nang bukas...

tapos ilang sandali lang magsasawa ka na... hindi ka na masaya sa piling nila... hindi ka na natatawa sa mga jokes nila...mas gusto mo pang matulog kesa makasama mo sila...

malabo mang isipin pero totoo...sana maayos na 'to... pero malabo rin e... pwede ba yung gigising ka na lang isang umaga tapos wala na ang iiyong pagsasawa?

sana nga... sana bumalik na sa date... nakakailang e... 

Currently feeling: off
Posted by aira at 07:05 PM | 2 nagreact

May 15th, 2005

pisikal na kaanyuan

tingnan mo nga naman ang mundo naten... masyadong pinapahalagahan ang PISIKAL NA KAANYUAN

parang wala na tayong pinagkaiba sa mga highly discriminating societies at sa mga mapanhusgang banyaga!

nakakalungkot isipin noh... pero ganyan talaga ang kalakaran ng mundo naten... unang nakikita ang magandang anyo at hindi na nabibigyan ng pagkakataon ang nasa loob at nasa likod ng magandang mukha!

sabagay... di naman tayo dapat manisi kasi parte na talaga yan ng ating pagiging tao... pero paano naman ang mga indibidwal na hindi biniyayaan ng anyong papasa sa panlasa ng nakararami???...

ano? panghabambuhay na ba sila(kami) mabubuhay sa anino ng ibang tao?!

wala na ba sila(kami) karapatan na ipakita sa buong mundo ang kagandahan nila(namin)?

tao din naman sila(kami)... at nangangailangan din sila(kami) ng pagkalinga at hindi ang pag-aalipusta ng iba!

kelan pa kaya magbabago ang mundo?

ayokong isiping wala nang pag-asa ang lupang kinatatayuan ko...

Currently listening to: fade away by sugarfree
Currently reading: haroun and the sea of stories
Currently feeling: HELPLESS...HOPELESS...
Posted by aira at 05:11 PM | 4 nagreact

May 21st, 2005

night swimming?

night swimming ba ang tawag pag nagswimming ka ng alas singko ng madaling araw(5 a.m.)?

o mas tamang sabihin na dawn swimming?

eniwei kung anoman ang tawag don e masaya!

kasama ko ang yfc... at hindi dapat ako magsiswimming ngunit binasa nila ako!

discovery camp kase yon... ang ganda ng mga talks!(i.e. friends for life, when i fall in love)! at nang matapos ito ng alas tres ng madaling araw(3 a.m.) nagsitalunan agad sila sa pool!

natapos kami magbabad ng alas siyete(7 a.m.)...

ibig sabihin... WALANG TULUGAN!!! kinarir namin ang quote ni kuya germs!

Currently listening to: the day you said goodnight(or goodbye?)
Currently feeling: tired
Posted by aira at 03:55 PM | say something

May 29th, 2005

moving on

hwaw...ganito pala ang feeling ng nakapag---MOVE ON!!!

eto ang istorya...

nung friday naki-birthday ako sa insan ko at andon ang taong kinabaliwan(minahal?) ko ng isang taon(at mahigit?)...

nagbatian...nag-usap..naglokohan kami...ngunit wala na akong maramdaman na bilis na tibok ng puso...hindi na ako nauutal nung kinausap ko siya... maraming katagang lumalabas sa aking bibig at hindi basta ngiti lang ng isang taong mukhang na-starstruck!

ansarap ng pakiramdam na malaman na nagbunga na ang paghihirap kong itulak sa likod ng utak ko ang kanyang panaglan, mukha, at katauhan(nyahaha...ang drama ko...pero totoo! yipppeee!)

ansarap ng pakiramdam na wala kang nararamdaman sa taong kinakausap mo kahit gaano siya ka attractive(hottie siya sobra, talented at gentleman!)... kahit gaano mo siya kinabaliwan dati...ANG MAHALAGA NAKAPAG- MOVE ON NA AKO!

Currently listening to: all of my life ng mymp
Currently feeling: satisfied
Posted by aira at 04:16 PM | 2 nagreact