Entries for June, 2005

June 3rd, 2005

kabilang ibayo

ako at ang aking pamilya ay dadalaw sa kabilang ibayo --- in other words --- mangingibang bansa kami! woooohoooo!

psensiya na at medyo excited ako kase ngayon pa lang ako makakaalis ng ating (pinakamamahal?) na bansa...

sa unang pagkakataon rin ay makakasakay ako sa eroplano! Diyos ko, i-bless Niyo po ang trip namen... narineg ko may padating daw na bagyo! Diyos ko, i-bless Niyo po kame!

bukas ng umaga ang aming alis... sa hongkong lang... apat na araw nga lang... "post-vacation-chuva" lang sabe ng nanay ko!

nung una bespren ko lang ang sinabihan ko (at andami na niyang bilin!)... aba kinabukasan kumalat na ang balita... wala pa nga akong sinasabi may sumisigaw na ng size 7 color brown! tingnan mo nga naman...

sasabihin ko nga pala sa nanay ko na uminom kami ng anti-biotics bago umalis... mahirap na...Diyos ko, i-bless Niyo po kami against harm.

haaaayyyy...sana hindi lang sa preparation ang saya ko... sana mag-enjoy ako sa pupuntahan ko!

andon kaya si Dao Ming Se? ay nasa taiwan pala yun!  

Currently listening to: especially for you
Currently feeling: excited
Posted by aira at 10:02 AM | 1 nagreact

June 10th, 2005

DA BEST!

DA BEST talaga ang HONGKONG!!!
ANSAYA ng trip ko sa bansang iyon!
Mga rason kung bakit ASTEEEG ang HONGKONG:
1.)    disiplinado ang mga tao…kaya nga maunlad ang bansa nila!
2.)    Walang usok! Kahet maraming sasakyan…at take note… walang lumang sasakyan!
3.)    Andaming papables and crushables! May nakilala nga ako next time ko na lang i-uupload ang pix nya!(ang feeling ko naman… nakita ko lang siya sa billboard tapos may picture siya sa watsons…ninenok ko..hehe!)
4.)    NAKAKAMANGHA ang mga lugar don! Tulad ng OCEAN PARK! Astig ng CABLE CAR… mga ilang bundok lang naman ang dinaanan ng cable car na yon!
5.)    At ang bilihin…ang mamahal… pero kung marunong ka maghanap e talagang mura ang makikita mo(sa mga iskenita marame!)
6.)    Walang magnanakaw ng cellphone!kaya naman lahat ng tao may kausap o kinakalikot ang cellphone sa daan at sa kung saan-saan pa!
7.)    Walang pakialamanan ang mga tao… kahet magpakabaliw ka… tuloy lang ang buhay don!
8.)    Hindi nila naiintindihan ang mga pinagsasabe ko… kaya kung ano-ano ang pinagsisisigaw ko sa loob ng mall [tulad ng takla (pasensya na gusto ko lang kase sabihin!)..hehe]
9.)ang squatter nila nakatira sa building! Ginawa daw yon ng gobyerno nila para hindi sila pakalat-kalat…maliit nga lang ang lugar pero at least hindi pakalat-kalat!
10.) kahit may araw HINDI MAINIT… ang lamig kase napapaligiran sila ng bundok na…take note… GREEN na GREEN… kumpleto ang mga puno!
Nagpunta nga rin pala kames a CHINA! Doon talaga ang heaven sa pagsho-shopping! SOOOOPER MURA! SADLY… di ako masyadong nakapamili kase nawala ako! Muntik na talaga akong maiwan! Tsaka yung city na pinuntahan namen sa china e 25 years old pa lang kaya maganda rin - SHINZEN…halos kamukha ng hongkong… malinis, nakakamangha, basta ASTIG rin!

Kaya lang may hindi ako namimiss sa hongkong…ang PAGKAIN… akalain mong walang kutsara don…at walang chicken… PURO DUCK!... wala ring tubig…PURO TEA!

Nung lumapag ang eroplano namen sa Pilipinas talagang NALUNGKOT ako…Ayoko na umalis don..di bale babalik na lang ako…pag gawa na ang DISNEYLAND!
Sana kagaya din ng bansa naten ang bansa nila… sana matuto tayong magkaroon ng disiplina!

nga pala ilang beses akong napagkamalang chinese...abak kinakausap ako sa lengwahe nila... ayaw ko namang magpanggap baka mabuking na pekeng chekwa ako!

Currently listening to: don't waste ur time on me ur already the voice inside my head...
Currently feeling: thankful
Posted by aira at 07:38 PM | 2 nagreact