Entries for July, 2005

July 1st, 2005

haggardness!

1st month pa lang ng sem... hagar na hagar na ako!

haaayyy...paatras na ng paatras ang sleeping time ko... dati hanggang 12 a.m. lang... ngayon hanggang di ko natatapos ang mga gagawin ko... ibig sabihin kinakabukasan na ako nakakatulog!

kaya...TULOG??? ano yon?!

andaming nasasacrifice sa pag-aaral noh?! unang-una... social life (meron ba ako non?!)... well... ayoko magreklamo kase eto naman ang pinili ko... at nakataya ang kinabukasan ko dito! naks!

pero pinaghahandaan ko na rin kung anoman ang mangyari sa pag-aaral ko...READ: PAG DI AKO SINWERTE .. sana di ako masyado maiyak... pero di yata yon maiiwasan...

basta gagawin ko lahat ng makakaya ko! yey! that's the spirit!

haayyy... pati nga chance na makausap at makadaupang -palad ko ang HALE at syempre si CHAMP ay pinagpaliban ko muna... mamaya may concert sila sa UP at band marshall sana ako... ganyan talga ang tunay na sakripisyo! sana mag pay-off!

basta... sana maganda ang kalabasan ng mga sakripisyo ko...  

Currently listening to: kailan?
Currently feeling: hopeful
Posted by aira at 11:20 AM | 1 nagreact

July 20th, 2005

akalain mo!

AKALAIN MO...BUHAY PA PALA AKO!

medyo di ko na kase nararamdaman...

halos di na ako natutulog... di ako adik ah!

di na ko nanonood ng tv... puro na lang cases ang pinag-uusapan namen... napapanis na laway ko sa mga cases na yan!

nagpapakaburo na ako sa silid-aklatan ngunit bagsak pa rin ako sa exam namen!

putek! ang hirap talaga mabuhay! andami mo na ngang sakripisyo... bagsak pa rin!

haaayyy...nanganganib pa akong matanggal sa course ko... at pagdating ng araw na yon... iiyak na lang siguro ako...

malungkot...

sana di mangyari yon...

Currently feeling: tired
Posted by aira at 05:08 PM | 2 nagreact