nung saturday may ininterview kami sa abscbn para sa Pinoy Big Brother Magazine... at isang malaking disaster ang lahat ng pangyayari...disaster pero FUN!
una, sa guard pa lang ayaw na ako papasukin... nakalimutan ko kase i.d. ko(tanga!)...pero ginamit ko ang charms ko(meron ako non noh!)... kaya ayan pinapasok din ako!
tapos sabay hirit nung guard sa groupmate kong chinese : "FIL-AM KA BA?"
haaayyy...
next, paakyat kami ng 4th floor... e hi-tek pala mga elevators sa abscbn... ayaw kami dalhin sa 4th floor! nagpupumilit sa 10th floor! ang ginawa namin... umakyat kami sa 11th floor... bumaba sa 5th floor... nag-fire exit pababa ng 4th floor...o diba ADVENTURE!
oras na ng interview... wala ang iinterviewhin namin! kaya yung editorial manager na lang ang kumausap samin...hindi ko na sasabihin ang mga bloopers niya baka kase may kakilala siya dito e... pero mabait siya sobra! dahil natolerate nya ang mga sumusunod na pangyayari...
dahil ako ay maka-franzen... kase tingin ko na he deserves the prize the most (don't let me start with my speech...)... andami kong tinanong sa kanya...may mga tanong akong wala siyang maisagot... pero ang gusto ko lang iparating...i-evict na lang si franzen pero hindi na dapat ipalabas na mukha siyang siraulo dahil halatang nag-jojoke lang siya sa mga sinasabi niya...siniseryoso lang ng iba! see...ang bait ng editorial manager nila!
basta...natpos ang interview na walang masyadong naitanong na kailangan namin...kaya babalik ulit kami....haaaayyy....
ang ibang ka-chorvahan naman.... nung sunday nanood kami ng highschool friends ko ng HARRY POTTER and the GOBLET OF FIRE! in fairness, maganda siya... eto ang pinakamagandang harry potter movie na napanood ko so far... at may crush ako... (hindi si cedric...ang lakas ng blush niya sa cheeks e!joke!) isa sa mga kasama ni Viktor Krum! hmmmm....
tapos paglabas namin... alas-singko na kami nakapag-lunch(sa kfc)... as usual parang piyesta nanaman! andaming pagkain! at simot lahat! gumawa yung friend ko ng maki... ansarap! kaya lang yung wasabi umakyat sa ilong ko... ansakit! tapos dahil sale sa metro east wala naman talaga kaming bibilhin... pero syempre hindi mapigilan ang sarili... ayan bili nito bili non...kaya martes palang ngayon UBOS NA ALLOWANCE KO!waaahhh!
pag-uwi... sumama pa yung isa kong friend sa bahay namin...kasi ang boypren niya ay nakatira malapit samin.... haaaayyyy...talaga nga naman "DA TINGS U DO POR LAB!"
ang chorva ng buhay!
Currently listening to: stickwitu
Currently feeling: silly