December 6th, 2005
namimiss...
bukas na ang BACBACAN 2(sportsfest ng college namen)!
kaya lang hindi ako sumali sa cheering ngayon... at last day na ng practice nila ngayong gabi...
hindi ko akalaing namimiss ko pala sumayaw!
tuloy nagreminisce kame ng klasmeyt ko at sinayaw ang buong routine namin last year! haha! ang saya pala!
di bale...susuportahan ko na lang sila bukas(that's the spirit!)! GO JPIA!
eniwei, nalulungkot ako kase wala na daw lantern parade... nakakainis kase tatanggalin ang tradisyon!
isa pang eniwei, nakakahiya kanina sa PI 100 ko kase may binulong lang ako sa katabi ko e tinawag na ako agad ng prof ko! haaayyy....
at isa pang eniwei, nakausap ko ang crush ng best friend ko... haaaayyyy...for that split moment ay parang crush ko na rin siya!(ngayon ko lang na-realize...may hawig siya kay chad michael murray!)
kaya lang napaka-ideal niya kaya wag na lang!
ang hirap naman...kung hindi ideal, ayaw sayo, o yung kaibigan mo pala ang gusto!

