March 15th, 2006
pinagbigyan lang ba?
binigay na yung results ng 3rd exam sa accounting...
as usual bagsak nanaman ako...
pero di na katulad ng dati na okay lang bumagsak...
at natatakot ako sa susunod na magyayari...
nung una ayos lang... kahit umiiyak na yung iba kong classmates na hindi rin pinalad...i kept my cool...
ayaw ko kase makita nila akong umiiyak... gusto ko strong ako...
kaya lang nung sabihin ko na sa dadi ko...
nakita ko yung kalungkutan sa mukha niya... parang may biglang sumaksak sa puso ko...ansakit...
iniisip ko tuloy...nung una nalagpasan ko...
sabi ng mga kaibigan ko ituloy ko na daw kase baka para sa akin talaga yun...
pero bakit parang hindi ganon ang nagyayari ngayon...
pinagbigyan lang ba ako?
at ngayong naexperience ko na kung gaano kahirap e kailangan na bumalik sa realidad...
hindi ako magaling...aminado ako dun... pero ginagawa ko lahat ng aking makakaya...
baka nga hindi lang talaga ako para dito...
ang hirap tanggapin kasi matagal ko 'tong pinangarap...
pero wala akong magagawa kung hindi nga para sakin 'to...