Entries for April, 2006

April 2nd, 2006

ibang nakalaan

tapos na ang sem...

mukhang kasabay nito ang pagtatapos ng ilang taon kong pinangarap

sabe ng prof ko "di maiiwasang may matatanggal"...

baka nga di lang talaga ako para dito...

ang masakit lang...sana natanggal na ako nung una pa lang para hindi ako umasang baka kaya ko...

20 items hinulaan ko lang nung finals...2 points each pa naman...

di na talaga ako umaasa...

kahit matagal kong pinangarap 'to... kailangan ko na tanggapin

baka di nga para sakin 'to...

sabe nga nila..."baka may ibang nakalaan para sayo"

Currently feeling: sad
Posted by aira at 08:48 PM | 2 nagreact

April 12th, 2006

bagong kaganapan

pagkatapos ng mga paghihirap...dininig ang aking dasal!

hindi na ko matatanggal sa course ko!

pero pwede pa bumagsak...kaya the worst is yet to come!

pero for now...i will savor the moment!wooohooo!

last week nga pala... april 6-9 (yup...4 days) nagplanning sem kame sa pansol, laguna!

ansaya! walang adults nearby...well adults na kame pero gets...walang masyadong nagsasaway!

we had this astig team buiding seminar(tbs)...and i'm at a loss for words... astig lang talaga masasabi ko!

not to mention ang kulit ng mga kasama ko...pinasakit nila tiyan ko! hindi namin masyadong kinakarir yung pinapagawa samin so we ended up having fun!

kaya lang may foreboding(yesss!) concern ako ngayon...

welll di naman talaga ito "concern" for me... basta medyo masalimuot!

kinwento ko sa friend kong graduating this april23(congrats!haha...segue!) ang buong story...nagsimula kami mag-usap ng 10p.m. at natapos nang 3a.m.!

masalimuot talaga...kaya eto na lang masasabi ko...

just because feeling ko ako ang mas nakakaalam sa situation na ito...

ako na lang ang gagawa ng sakripisyo...

Currently watching: American Idol
Currently feeling: di ko maintindihan!
Posted by aira at 08:08 PM | 6 nagreact

April 20th, 2006

maling akala

ooops hindi yan yung kanta ha...

'maling akala' kase akala ko makakapagrest na ako ngayong summer...

hindi na ako nagsummer classes, tinanggihan ko na yung unang offer ng summer internship...

pero di pa rin ako nakaligtas....

tumawag sakin kahapon yung isang company...e nasasayangan ako kung tatanggihan ko yun... kaya go na!

tapos marami pang kailangang gawin sa committee namin sa jpia ngayong summer dahil malapit na yung event namin(punta kayo ha!)

at tamang-tama kakatext lang ng chapter head namin(sa yfc)...

may household daw kame...ayos lang namimiss ko na rin sila e!

akala ko pa naman hihilata lang ako buong summer, kakain ng marami, matutulog buong maghapon...

haaay...pero go lang! para rin naman sa kinabukasan ko 'to(naks!)

P.S. goodluck kila louie, dona, monette, at sa iba pang bads7 sa practicum/immersion nila (woah! 1 month!)... wag na magpakyut sa mga tanod don ha!hehehe!

Currently reading: harry potter 6
Currently feeling: working
Posted by aira at 10:32 AM | 2 nagreact

April 23rd, 2006

summer internship

bukas na ang simula ng aking summer internship...

kinakabahan ako!

parang papasok ako sa ibang planeta...

at hindi ko alam kung ano o sino ang andon...

kung tao ba o aliens...joke lang...tinatanggal ko lang kaba ko!hehe!

tapos malapit na rin kaarawan ko...

at magbebertdey ako sa opisina(as an intern)...

parang ang lungkot non noh...

at kakasabi lang ng bespren ko hindi daw siya makakapunta sa bertdey ko...

haaayyy...parang hindi pa ako handa tumanda ng isang taon...

waaaahhhh! ilang araw na lang hindi na ako teen!

P.S. nakakainis ang prof ko sa law! ang baba ng grade ko[hindi naman talaga ako GC (grade conscious) compared sa mga classmates ko pero basta di nya nakita yung effort ko! basta!

Currently feeling: kabado!
Posted by aira at 09:29 PM | say something

April 25th, 2006

buhay intern

ang buhay intern...

mahirap pala...

kung anu-ano iuutos sayo...

di ka naman pwede tumanggi...

una akong pumapasok...huli akong umaalis...

at sa aking kaarawan... puro papel ang kaharap ko...

tama...trabaho nanaman...

pero iniisip ko na lang...

mabuti ng maranasan 'to ngayon...para sa susunod di ko na gagawin 'to!haha!

Currently listening to: A Plain Morning by Dashboard Confessional
Currently feeling: tired
Posted by aira at 09:21 PM | say something