May 1st, 2006
kakaibang surpresa
nung mismong araw ng bday ko walang kakaibang nangyari...
parang isang normal na araw lang sa buhay ko...
di ko nga napansin na kaarawan ko...buti na lang binati ako ng mga lovable friends ko!hehe!
pero nung weekend sinurprise ako ng hayskul friends ko!
kakaligo ko lang tapos pagbukas ko ng pinto bigla silang andon may hawak na cake na may 20 candles at kumakanta ng "hapi bertdey to you!" 
naka-video pa nga... nakakatawa talaga reaksyon ko!
tapos umalis kme...nilibre ko sila ng dinner...10p.m. nagdinner kme sa yellow cab sa eastwood...
di ko na masyado ikwekwento lahat ng nangyari sa eastwood...pero eto yung kakaibang surpresa...
mga 3 or 4 a.m. nung paalis na kame...
may biglang nagsuntukan...nung una nanood pa kame kase mkhang fun!haha..
pero biglang may naglabas ng ibang bagay...may gunshot...may pinagtulungan...may mga boteng nabasag...andaming habulan...
at andaming dugo...
grabe...nanlamig, natakot, basta hindi ko maipaliwanag naramdaman ko...
lalo pa't nangyari lahat ng yon sa harap ko...
