October 26th, 2006
DUWAG!
ngayon ko lang napagtanto... duwag pala ako...
sabi ko na nga ba e...may mga signs... una, kasama ko ang mga hayskul prens ko at nalipat ang tv sa hbo showing ang RING 2 bigla akong napasigaw "p*t*ng*na ilipat nyo!"... syempre hindi nila nilipat kaya kumain na lang ako ng big mac na parang yun ang pinakaworthwhile na gawin sa mundo.
ikalawa, nagsama-sama ulit kame(mga di matatawarang kaibigan from hayskul)...at may bagong biling dvd yung isa from divi... GRUDGE 2... ayoko talaga manood...pero mas lalo lang nila akong inasar... kaya pagkatapos ng movie sumakit ang leeg ko kakatago sa unan pag lumalabas yung bata!
pero mas mabuti na rin ang matakot sa mga pelikulang alam mong gawa ng mga malilikhaing imahinasyon ng iba kesa maduwag sa realidad na araw-araw, oras-oras, minu-minuto gumigimbal sa iyong pagkatao...
mas nakakatakot at nakakaduwag ang tunay na mundo... hindi mo alam kung anong dadalhin nito sayo... minsan masaya, minsan malungkot, minsan galit, at minsan luha(na di mo alam kung saan nanggaling at bakit ayaw tumigil)...
pero buti na lang kahit andaming walang kasiguraduhan sa mundong ito...may mga kaibigan kang handang sumalo sayo pag di mo na kaya, pag wala ka nang masandalan, pag sobrang burnout ka na sa mga bagay na paulit-ulit mong ginagawa at nagsasawa ka na...
ansarap ispin na kahit naduduwag ka may kasama ka pa rin...nasalikod mo... sasalo sayo... at tatanggapin ka kahit ilang milya ang naging distansya niyo, kahit ilang araw o buwan o taon kayong hindi nagkita...
kahit ilang beses kang nadapa at nasubsob dahil sa kaduwagan mo andiyan pa rin sila...
kaya pala walang puwang sa mundo ang mga duwag...
ikaw? naduduwag ka ba?
