Entries for November, 2006

November 6th, 2006

"banakal dive"

sobrang saya ng weekend na nakalipas!!!

1st time naming makumpleto(hayskul prens) sa aming out-of-town adventure!

ansaya!!! hindi ko maexplain! pero sige itatry ko...

gabi ng friday(Nov. 3) umalis kami papuntang laguna... nakakatuwa kase puro koolasa yung nasa sasakyan at parang katulad pa rin ng dati...parang hayskul lang kami ulit... SUPER INGAY!!! parang hindi kami nauubusan ng energy kahit na hindi pa kami nagdidinner...

tapos nagstop over kami sa petron para kumain...shucks...ang ingay pa rin! wala pa nga sa pagbabakasyunan nagkakabukingan na sa resto! wala kaming pakialam kahit maraming tao...anlakas ng mga tawa at asaran! halos pinagtitinginan na kami ng mga tao... pero wala kaming pakialam! hahaha!

after kumain dumiretso na kami...akala ko dahil busog e tatahimik ng konti...BUT NO! lalong umingay! nung nasa toll gate na may kabaliwang naisip yung bespren ko... itanong daw namin kung bakit roger ang palaging sinasabi sa mga radyo... kaya nung turn na namin para magbayad bigla syang nagtanong: "Kuya, sino si roger? at nasaan na sya?" sabay andar ng sasakyan!

tapos kantahan to the max sa loob ng kotse... may LSS nga kame e.."make me alive, make suffer, make me feel...!" hahaha! pag may dead air biglang may kakanta nito...tapos we'll end up laughing! haha! champyon!

then dumating na kami sa wakas dun sa rest house nung friend namin... para syang yung bahay sa lakehouse...as in puro glass! at kumain, (konting) inom, naglaro at nagkwentuhan kami hanggang 5 am! nilaro namin yung rampulstilskin...champyon talaga! sobrang sakit na nung tiyan ko sa kakatawa!

tapos saturday na... at buhay baboy kami! hahaha! pinagkasya namin ang mga sarili namin sa isang bed(beat that!)...nood tv...picture ng picture habang nakahiga...kain habang nakahiga...basta buhay baboy nga!

nung hapon nagswimming kami! at nabuo ang "BANAKAL DIVE"...sunud-sunod kaming magda-dive habang  hawak ang tuhod at sumisigaw ng "AY SOWS! SUMABOG ANG SARSA!" hihihi! and meron ding "NESTEA PLUNGE"... sunud-sunod kaming magpapahulog sa pool ng nakatalikod! champyon!

ang init ng tubig sa pool! natapos kami magswimming ng 12am... ansarap! skinny dipping kung skinny dipping! walang hiyaan! two piece kung two piece! hahaha! champyon! kaya picture din kung picture!

umahon na nga sa pool picture pa rin ng picture! hehe! kaya mga 3am na kami natulog dahil sa picture at kwentuhan...dun naformulate ang thought na: "bakit sila ganon?! kung ayaw nila edi wag! move on lang tayo ng move on!" yeah boi! champyon!

sunday ng umaga...  ay wala nga palang sunday ng umaga...tanghali na kase kami gumising at as usual buhay baboy nanaman! brunch in bed...pagkatapos magbrunch diretso lunch! baboy talaga! tapos picture kung picture nanaman...

may cheerleader picture, may superhero picture, may charmee picture, may parang nakaupo lang picture... at kung anu-ano pa hanggang sa maglow bat na lahat ng digicam at camera phones!

nung isa-isa na kaming dinrop sa kanya-kanyang bahay nakakalungkot na kase matagal nanaman bago kami ulit magkita...

gagraduate na yung iba sa march at isa ako sa maiiwan...

natatakot ako baka maging busy na sila sa work nila at hindi na maulit yung mga out-of-town adventures namin...

haaayyy...dati mga hayskul students lang kami at walang masyadong pinoproblema kundi paano magpapakyut sa crush namin...

ngayon gagraduate na sila at magtatrabaho...may 1 taon at kalahati pa ko...

ano kayang susunod??? 

  

Currently feeling: refreshed
Posted by aira at 07:09 PM | 2 nagreact

November 23rd, 2006

all good things

why do all good things come to an end?

kase ganon ang buhay. hindi sa lahat ng oras masaya.

nag-iiba ang mga tao. nagsasawa. hindi yun mapipigilan.

baka naman hindi talaga naging masaya? baka maling akala lang ang pagiging masaya? masaya ba pag pinagwawalang halaga?

bakit noon pa hindi nakita? bakit kailangan pang magpakatanga?

buti na lang hindi pa huli ang lahat. hindi mangyayari yung panaginip. hindi kailanman.

kung sakaling naging masaya man... ngayon tapos na.

so why do all good things come to an end nga ulit?

kase better things will come...

wala ng shortcuts...hintay lang kase...

the best one is still building the kingdom of God.

Currently listening to: nice to know you - incubus
Currently feeling: okay
Posted by aira at 08:31 AM | 5 nagreact