Entries for December, 2006

December 1st, 2006

kwarta o kahon?

akalain mo yung nanay ko pala e sumali sa kwarta o kahon sa channel 9(tama ba?) noon!

nakakatawa kase proud na proud sya na nasagot daw nya lahat ng questions...

umabot pa nga daw siya ng jackpot round...

yung mag-isa ka na lang at tatanungin ka ni pepe pimentel(yung host noon) ng "KWARTA O KAHON?!"

pinili nya ang kahon...

at ang laman ng kahon ay...(drum rollls please...)

TALONG!!!

parang gusto daw niyang ipukpok yung talong kay pepe pimentel!

pero nanalo naman daw sya ng P80!

ano ang lesson dun? life is a gamble! yun naman!

ay sows sumabog ang sarsa! 

Currently listening to: all good things - nelly furtado
Currently feeling: good
Posted by aira at 12:40 PM | 2 nagreact

December 10th, 2006

kakaibang Christmas party!

nag-Christmas party na ang chapter namin sa yfc kaninang umaga!

ang aga noh? at ang call time namin ay 6:45am...

pero hindi yun basta-bastang Christmas party...

nagpunta kami sa COTTOLENGO...

isang orphanage na nag-aalaga sa mga special children na inabandon ng kanilang pamilya...

papasok pa lang kami sa gate sinasalubong na nila kami...

sabik sila sa mga yakap at pag-aaruga kaya naman hawakan mo lang sila e anlaki na ng ngiti nila...

may mga batang may cerebral palsy, autism, adhd, at si Gilbert ang batang walang mga daliri sa kamay at paa...

pero may kakulangan man sila sa pag-iisip at sa pisikal na kaanyuan mararamdaman mong pareho rin natin silang mga normal na naghahangad ng pagmamahal at pag-aaruga... 

isang napakagandang experience talaga yung nangyari kanina... sana bumalik ulit kami...

nung paalis na kami may yumakap ulit sakin si Reynan...babalikan ko talaga yung batang yun...

anlamig ng panahon...malapit na magpasko...sana maalala natin ang mga batang katulad nila....

Currently feeling: touched
Posted by aira at 08:52 PM | 2 nagreact

December 17th, 2006

we're back!!!

eto na ang pagbabalik!

ilang taon din ang nakalipas...nakakamis pala!

basta ang mahalaga nagising na kami from hibernation...

nakakamis yung pakiramdam na wala kang ibang iniisip... less complications and stress...

basta...steady lang...

and now i can say that i'm really proud of myself...

dahil hindi ko pinabayaang malunod ang sarili ko!

and i have realized that my friends are always there for me no matter what i do...

no matter how crazy i can be...

so to all of my friends... THANKS FOR EVERYTHING!

at ngayong Christmas eto ang LSS: "to the left, to the left... everything you own in the box to the left!"

Currently listening to: irreplaceable by beyonce
Currently feeling: happy
Posted by aira at 07:17 PM | 2 nagreact

December 31st, 2006

heaven sa new year!

ansaya talaga nung kakatapos na youth camp ng cluster namen!

sobrang heaven ang feeling kasama ng mga ka-yfc mo...

at sabay-sabay nyong pinipraise si God!

"One day in the house of God is better than a thousand days in the world!"

camp servant ako at ako ang in-charge sa pagkin ng lahat! sandok ng kanin...lagay ng ulam...at lahat ng mga natirang food ay sa akin! hehe!

may tawag na nga sila sakin dun e..."extra rice"! 

syempre pagkatapos kumain ako rin ang bahala sa paghuhugas ng mga kinainan! waaahhhh! effort talaga sa sebo! 

ayos lang marami rin naman kaming camp servants e...at ansaya ng mga camp servants meeting...kung anu-ano ang nalalaman nyo sa isa't-isa!

habang nagmimeeting e nagkakalkal kami ng basura para i-separate ang biodegradable sa non-biodegradable! mabaho pero masaya!

the only downside is nilalagnat ako ngayon...sumagad siguro sa energy nung camp...ayan di ko malasahan ang mga pagkain... 

gayunpaman...

"So blessed, I can't contain it! So much I got to give it away! Your love has taught me to live now... YOU ARE MORE THAN ENOUGH FOR ME!"

happy new year sa inyong lahat!!!

Currently listening to: one day!
Currently feeling: high
Posted by aira at 09:44 AM | 2 nagreact