January 26th, 2007
misa sa village
ansarap ng pakiramdam pag sa chapel dito sa village kame nagmimisa...
gabi ang misa dito...anticipated mass...
hindi mainit, presko, at nakakapagconcentrate ka kay Lord...
yun nga lang kadalasan ang pari yung mga taga-ibang bansa kaya medyo effort ang pakikinig sa kanila lalo na sa homily...
pero bukod diyan...sa chapel na to kilala mo lahat ng nagsisimba...
mga kapitbahay na kahit di mo kamag-anak e tinatawag mo silang tito and tita...
kaibigan mo ang mga anak na minsan mo ng nakalaro ng patintero o monkey-monkey sa kalsada! (ansarap balikan...)
at pag may bagong mukha sa simbahan sigurado kang hindi siya taga-village dahil hindi mo siya kakilala...hehe!
tapos, pagkatapos ng mass madalas may kainan at konting salu-salo sa may basketbol court sa tabi ng simbahan...potluck...kahet ano pwedeng dalhin,kahit ano pwedeng kainin!
syempre ansaya ng mga chikahan...mostly mga buhay-buhay ng mga tao! hehe!
at sa pag-uwi, dahil ang bahay namin ang pinakamalayo sa chapel e madadaanan lahat ng mga kaibigan tapos titigil para makipagkwentuhan ulit...
hanggang sa hindi mo namalayang 1 oras ang misa pero 2 oras ang pakikipagsosyalan! sosyal! haha! 
at ang panalo sa lahat...paborito ng village namin kantahin as closing song ito: "walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang...walang sinoman ang namamatay para sa sarili lamang... tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa...
tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya."