Entries for February, 2007

February 14th, 2007

balentayms na balentayms

hay naku balentayms na balentayms e nababadtrip ako!!!

bakit ganon...kahapon lang masayang masaya ako tapos ngayon pang valentines ako nagkaganito???

asar talaga!!!

ok na sana e...tapos konting change of plans lang biglang *pffft* nawala na ang ngiti...BADTRIIIPPPP!!!

haaayyy...hindi ko naman kasalanan e...biglaan lang talaga...

namove kase yung exam at kailangan kong dumalaw sa lola ko na biglang ayaw na daw kumain at uminom ng mga gamot niya...

e ano ba ang pipiliin ko? syempre sila muna diba...

2 beses ko narinig ngayon yung "All I Have" ni J'Lo and LL Cool J at ang paboritong linya sa kantang to:

"be easy don't make decisions when you're mad!"

Currently listening to: All I Have
Currently feeling: morose
Posted by aira at 06:08 PM | 6 nagreact

February 18th, 2007

haaay...ang bilis...

bakit ganon?...ang bilis ng mga pangyayari...

nung wednesday nakaschedule na ako na dadalawin ko si lola sa bataan sa saturday...

pero nung thursday nakatanggap ako ng text...iniwan na niya kame...

hindi na niya ako hinintay...

hindi ko na siya inabutan...

basta andaming nangyayari ngayon sa buhay na parang wala naman sa plano...

natatakot ako...

ang daming stress sa panahon ngayon...di ko na alam kung anong uunahin kong gagawin...

pero ang bilis talaga ng oras...gusto ko pa sanang yakapin si lola...

pero hindi na pwede...

Currently feeling: sad
Posted by aira at 11:22 PM | 1 nagreact

February 25th, 2007

aalis na siya...:(

yung bespren ko since birth iiwan na ako...

sobrang lungkot... 

lilipat na sila ngayon ng bahay kase nagkaproblema sila sa extended family nila...

nasanay na ako for 20 years andiyan lang ang bespren ko...kapitbahay ko...

nung bata pa kami ginigising ko siya araw-araw sa umaga para maglaro kami ng barbie...

sabay kaming naliligo, kumakain, natutulog...

pagdating ng gabi nalulungkot na ako kase kailangan ng umuwi at hintayin ang bukas para makasama ko ulit ang bespren ko...

isang tawag ko lang pag kailangan ko siya tumatakbo siya agad sa bahay namen...

minsan nga kahit di ko siya tawagan laging timing ang pagpunta niya pag may dinadamdam ako...

mamimiss ko ang mga yakap nya...

mamimiss ko ang mga bonding sessions namin na umaabot ng madaling araw na ang tanging ginagawa namin ay umiinom ng tubig!

minsan nga nasa labas lang kami ng bahay nakaupo sa kalsada, nakatingin sa langit, magkasamang nangangarap...

sobrang dami naming pangarap...di ko tuloy alam ngayon kung matutuloy pa yung mga yon...

haaayyy buong araw nakatingin lang ako sa bintana namin pinapanood silang maglagay ng mga gamit sa truck...

nung pinuntahan ko siya kanina di ko napigilang umiyak...

nakakatawa nga e... ayaw talaga tumigil ng mata ko...hanggang ngayon...

ayaw ko siyang umalis pero mas magiging masaya sila sa lilipatan nila...

bye bespren... mamimiss kita... dalawin mo ako ah...

Currently feeling: sad
Posted by aira at 09:34 PM | 8 nagreact