Entries for July, 2007

July 3rd, 2007

of crushes and the likes...

kakagaling ko lang sa isang event ng fopc(Freshmen Orientation Program Committee ng UP Diliman) dahil co-chair ang jpia sa fopc...

at ang sumambulat sa akin ay ang malungkot kong vice chair dahil ayaw pa daw nung ibang officers na magstart ng program dahil konti pa ang tao pero 1 hour late na sila...

so as usual work work work nanaman ito...

trabaho sa buong araw, magdamag(may case pa kame sa friday), buong linggo, buong taon, kahit summer...

buong buhay ko na yata nagpaka-busy na ko sa trabaho...hindi yung literal na trabaho(dahil wala pa ako nun...internship lang ang meron ako...) kundi trabaho sa org, sa skul(dahil professional student ako sabi ni inay), at sa kung anu-ano pang bagay...

except sa subject ng title ko...

nakakatawa...parang ilang taon na ba ako at ngayon ko lang napag-isipan na marami pala akong namimiss sa buhay ko dahil sa sobrang pagtatrabaho...

kanina may crush ako sa event...itago na lang natin siya sa pangalang(hmmm ano kaya...) NARDO (hindi tunay na pangalan dahil baka mabuking!)

natatawa ako sa sarili ko dahil oo nga't crush ko siya pero hindi kase ako yung typical na magpapacute at ipagduduldulan ang sarili kahit na sobrang lapit na namin sa isa't-isa...

masaya na akong tinitingnan siya habang kinakain ang mcchicken fillet na sinerve ko sakanya!(ay gumaganon!)

maligaya na akong pinapanood siyang hampasin ang kahoy na kahon(oooppps...mukhang mabubuking na ah...e ano ngayon?!)

yak! natatawa talaga ako sa sarili ko! bakit ko ba naiisip to?! sa tanda kong 'to diba dapat mas malalalim at intelektwal na bagay ang iniisip ko?!

teka...bakit ko nga ba naging crush yun???

dahil ba pareho silang may broad shoulders ni ano???

o baka naman dahil musikero siya katulad ni ano???

o marahil may kakaibang "(angas?)factor" siya kapareho ni ano???

ayan e...di maiwasang magkumpara!

kaya ayan tuloy nauuwi sa wala... 

e san pa nga ba mauuwi ang lahat ng ito?...diba sa wala din naman!

kaya nga crush e...kase wala lang!

labo!

Currently feeling: silly
Posted by aira at 11:42 PM | say something

July 7th, 2007

temFRESHure rising!

congrats sa FOPC sa isang successful freshie concret kagabi!!!

kami ay naatasang tumulong sa mga bouncers na "i-watch ang mga threatening/dubious individuals"...

pero syempre hindi namin napigilan ang panonood lalo na't may backstage pass kame!!!

at umabot pa sa highest level ang kahihiyan namin ng magpaka-groupie kame!

pichur-pichur sa lahat ng banda...

at eto lang ang masasabi ko kagabi...

1.) ang gwapo pala ni chito sa personal! ang kinis!

2.) crush ko pa rin si miggy ng chicosci! "i'll raise my glass to you!"

3.) ambait ng kapatid ni manu...(mong alcaraz)...kahit parang kilala niya kame na nagkakalat at nanggugulo sa bahay nila e ambait nya samin!

4.) waaahhh! crush ko talaga si led tuyay ng kamikazee!!! grabe ang hot nya maggitara!!! (may pichur kame!!!)

5.) sobrang galing ng tugtugan ng parokya at kamikazee! to the highest level ang energy! ang seksi seksi!

6.) may bagong addition sa aking list of "hanggang-crush-ka-na-lang-chong-dahel-napakaimposible"...

yung guitarist ng callalilly! teka hindi ko nga pala alam ang pangalan nya...hehe!

basta!

Currently feeling: dorky
Posted by aira at 05:05 PM | 2 nagreact

July 23rd, 2007

busy-busyhan!

grabe ilang araw nang 2 oras lang ang tulog ko...

simula nung fopc concert...sinundan ng tararun(at hindi ako nakapagpahinga pagkatapos ng event na to dahil sa labis na kalungkutan... )...

tapos feasib...nag-overnyt feasibmates ko dito samin ng biglaan...kaya nga may tinagurian na kaming..."underwear ng bayan!" haha!

pagkatapos ng pasahan ng pre-feasib...freshie party naman ng block D2(hinahandle ng org namin)...

at nagsimula na rin kami magpractice for BACBACAN... go terminals!!!

pero ngayong SONA...walang pasok sa UP!

at sa wakas nakabawi ako sa tulog!!! yeheyyyy!!!

sige na balik na ulit sa mga pinagkakabusyhan...

Currently listening to: this is for my people by missy eliot
Currently feeling: working
Posted by aira at 05:36 PM | 1 nagreact