November 8th, 2007
parang antagal...
limang taon na ko sa kolehiyo...pero hindi ako MRR ah! 
dahil to sa kurso kong pagkahaba-haba at pagkatagal-tagal matapos...
dati nung nagpipilian pa ng course sa college iniwasan ko tong course na to dahil parang antagal ng 5 years...di ko yata kaya yun...
pero di ko rin napigilan ang sairili ko at nagshift ako dito...
AT HINDI KO NAPANSIN NA LIMANG TAON NA PALA!!! 
siguro dahil gusto ko to kaya kahit anong hirap, kahit ilang luha ang dinulot at kahit nakakainggit ang mga highcshool friends ko dahil kumikita na sila ng sariling pera e keribels lang...
at ngayon GRADUATING na rin ako!!!
ansarap sabihin!!!
last sem ko na to!
sana maging ok ang lahat...
pero di pa nagtatapos ang pag-aaral...may review pa sa board exam...
at syempre ang boards sa october...
grabe sinusulit ko ang pagiging estudyante noh?! 