January 2nd, 2008
old times
yey! HAPPY NEW YEAR! *fireworks* 
grabe hindi ako sanay na hindi ko na ginagawa yung mga nakagawian ko tuwing holidays nung mas bata ako(ayan ah...dahil hindi pa naman ako masyado matanda...
)
1. hindi na ako nagcacaroling sa kapitbahay...(though nagcaroling kame sa alumni ng jpia at syempre mas malaki ang binibigay with matching pakain)
2. hindi na ako nagpaputok ng watusi(dahil umalis na ang bespren ko at wala na akong kasama magpaputok nun)...kaya mag-isa akong naglusis...
3. hindi na rin ako tumalon nung 12:00 am dahil umalis ang bespren ko at wala na akong kasamang tumalon...at hindi naman yun totoo!!!
4. hindi na kame nakapagget together at nakapanood ng horror movie ng mga highschool friends ko dahil may trabaho yung iba(ako na lang ang estudyante) at yung iba naman kasama ang mga boypren nila(hinayupak!)
5. hindi na ako nakapunta sa YFC youth camp...dahil hindi na ako yfc...
at ibig sabihin hindi na rin kami magkikita ever nung taong yun...ohwel, ok lang...keribels...aaliwin ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-aaral...plastik! 
ayan...ganyan ang bagong taon ko...
ibang-iba...
bagong-bago...
